Ano Ang Kanser Ng Lipunan Sa Noli Me Tangere Kabanata 58
Ano Ang kanser ng lipunan sa noli me tangere kabanata 58
Noli Me Tangere
Kabanata 58: Ang Sinumpa
Kanser ng Lipunan:
Sa kabanatang ito masasalamin ang lumang sistema ng padrino. Sa kulungan kasi kakailanganin ng isang bilanggo ang padrino upang makalaya. Kaya naman ang mga kamag - anak ng mga dinakip sa kwento at natataranta na maghanap ng magiging padrino ng kanilang kaanak upang makalaya sa kulungan. Ang sistemang ito ay umiiral pa rin hanggang sa ngayon. Kadalasan, ang mga akusado na mahihirap ay nagdurusa ng mahabang panahon sa loob ng selda sapagkat wala silang kakayahan na makapagbayad ng piyansa. Samantalang ang mga mayayaman ay mabilis na nakakalabas lalo na kung naging maagap sa pagbabayad ng piyansa.
Bukod dito, makikita rin ang katotohanan sa kasabihan na oras ng kagipitan makikilala mo ang iyong tunay na kaibigan. Nang madakip si Ibarra, wala ni isa man ang nag alala para sa kanya. Ang lahat ay galit sa kanya sapagkat ayon sa kanila siya ang punot dulo ng kanilang kamalasan. Sinisisi nila siya sa pagpapa simuno ng paglusob sa kwartel at kaguluhan sa simbahan. Hinusgahan siya ng lahat ng mga naroroon sa pag aakala na ang lahat ay tanging siya lamang ang may nais. Ngunit kung paka iisipin, ang lahat ng mga nabilanggo ay nasa hustong edad na at may kakayahan ng mag desisyon para sa kanilang sarili.
Read more on
Comments
Post a Comment