Anong Sektor Ang Nagbibigay Serbisyo Tulad Ng Transportasyon Komunikasyon Pangangalakal Oananalapi Pag Lilingkod Mula Sa Pamahalaan At Turismo

anong sektor ang nagbibigay serbisyo tulad ng transportasyon komunikasyon pangangalakal oananalapi pag lilingkod mula sa pamahalaan at turismo

Sinasabing ang kaunlarang pang-ekonomiya ay nasasalamin sa paglawak at pag-unlad ng kakayahan ng mga

kasapi sa lipunan na lumilikha ng iba't ibang kalakal at paglilingkod na tumutugon sa pangangailangan ng tao. Ang pagdami ng kalakal at paglilingkod sa lipunan ay hudyat na ang mga tao ay makalilikha ng produktong hindi lamang para sa pangkasalukuyang gamit bagkus ay para na rin sa hinaharap.  

Kaalinsabay ng kaunlarang pang-ekonomiya ay ang karagdagang pangangailangan para sa mga taong bumubuo sa sektor ng paglilingkod. Ito ang sektor na nagbibigay-paglilingkod sa transportasyon, komunikasyon, media, pangangalakal, pananalapi, paglilingkod mula sa pamahalaan, at turismo. Ito rin ang sektor na umaalalay sa buong yugto ng produksiyon,

distribusyon, kalakalan, at pagkonsumo ng mga produkto sa loob o labas ng bansa. Kilala rin ito bilang tersarya o ikatlong sektor ng ekonomiya matapos ang agrikultura at industriya.  

Sa ekonomiya ng isang bansa, hindi lamang mga produkto tulad ng mga damit, kasangkapan, gamot, at pagkain ang pinagkakagastusan at kinokonsumo ng mga mamamayan. May mga pangangangailangan din sila bukod sa mga produktong agrikultural at industriyal. Ang sektor ng paglilingkod ay binubuo ng sub-sektor sa pananalapi, insurance, komersiyo, real estate, kalakalang pakyawan at pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, at mga paglilingkod na pampamayanan, panlipunan, at personal. Ang mga sektor na nabanggit ay may mahalagang papel sa kabuuang ekonomiya ng bansa. Importante ang sektor ng kalakalan ng pagtitingi (retail) at pamamakyaw (wholesale) upang tiyaking makarating sa mga mamimili ang mga produkto mula sa sakahan o pagawaan. Malaki rin ang naiaambag ng sektor ng paglilingkod sa GDP ng Pilipinas. Kapansin-pansin din ang patuloy na pagtaas ng porsiyento ng paglago ng sektor ng paglilingkod sa Pilipinas na nagkaroon lamang ng bahagyang pagbaba noong 2001.


Comments

Popular posts from this blog

How To Prepare On Earth Quake

In Humans, Brown Eyes (B) Are Dominate Over (B). A Brown-Eyed Man Marries A Blue-Eyed Woman And They Have Three Children, Two Of Whom Are Brown-Eyed A