Noli Me Tangere Kabanata 40, Ano-Anong Suliraning Panlipunan Ang Maihahalintulad Sa Kabanatang Ito?
Noli Me Tangere Kabanata 40
Ano-anong suliraning panlipunan ang maihahalintulad sa kabanatang ito?
Noli Me Tangere Kabanata 40 na pinamagatang " Ang Karapatan at Lakas"
Ang suliraning panglipunan ang maihahalintulad ko sa kabanatang ito ay ang paggamit ng mga tao ng kanilang kapangyarihan sa lipunan at ang pang aabuso sa kanilang mga tungkulin, tulad nalang ng ginawang pag uutos ni Padre Salvi kay Don Filipo na paalisin si Ibarra ng ito ay dumating upang manood ng tanghalan,dahil nagseselos siya kay Ibarra dahil siya ay may lihim na pagnanasa kay Maria Clara,ngunit hindi ito napaalis sapagkat ayon kay Don Filipo hindi niya pwedeng gawin iyon sapagkat si Ibarra ay nagbigay ng malaking abuloy. Ganun din ang ginawang pagpapatigil ni Donya Consolacion at Alperes sa dula sa kadahilanang hindi daw sila makatulog. sila ang mga taong ang iniisp lang ay mga pangsarili nilang pangangailngan.na hangang ngayon ay marami paring mga taong katulad nila.
i-click ang link para sa karagdagang kaalaman sa Noli Me Tangere
Comments
Post a Comment