anong sektor ang nagbibigay serbisyo tulad ng transportasyon komunikasyon pangangalakal oananalapi pag lilingkod mula sa pamahalaan at turismo Sinasabing ang kaunlarang pang-ekonomiya ay nasasalamin sa paglawak at pag-unlad ng kakayahan ng mga kasapi sa lipunan na lumilikha ng iba't ibang kalakal at paglilingkod na tumutugon sa pangangailangan ng tao. Ang pagdami ng kalakal at paglilingkod sa lipunan ay hudyat na ang mga tao ay makalilikha ng produktong hindi lamang para sa pangkasalukuyang gamit bagkus ay para na rin sa hinaharap. Kaalinsabay ng kaunlarang pang-ekonomiya ay ang karagdagang pangangailangan para sa mga taong bumubuo sa sektor ng paglilingkod. Ito ang sektor na nagbibigay-paglilingkod sa transportasyon, komunikasyon, media, pangangalakal, pananalapi, paglilingkod mula sa pamahalaan, at turismo. Ito rin ang sektor na umaalalay sa buong yugto ng produksiyon, distribusyon, kalakalan, at pagkonsumo ng mga produkto sa loob o labas ng bansa. Kilala rin ito bila